WebClick Tracer

METRO

Tanod todas sa kambal na pamangkin

Utas ang isang barangay tanod matapos siyang pagtulungan ng kambal na pamangkin sa Barangay Pequeño, San Mateo, Isabela noong Martes ng gabi, July 9.

Ang biktima ay nakilalang si Marlon M. Anghel, 51, barangay tanod, ng nasabing barangay.

Sa report ng San Mateo Police Station (SMPS) investigation bureau, bago ang insidente, habang nag-iinuman, nagkaroon ng alitan si Anghel at kambal na pamangkin na sina Norman at Ceasar Cabang, 20.

Habang inaawat sila ng kanilang lola sa mainitan nilang pagtatalo, biglang tinulak ni Norman si Marlon at sinakyod naman ng mga saksak ni Ceasar ang biktima.

Agad na isinugod ang barangay tanod sa ospital ngunit siya hindi na ito umabot pa na buhay.

Ang kambal namang suspek ay inaresto ng mga pulis at nakakulong ngayon sa SMPS jail at kasong murder ang isinampa laban sa kanila. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on