WebClick Tracer

LIFESTYLE

Teknik para makontrol ang galit

Maraming bagay na maaaring ikagalit at marami ring bagay na nakapanggagalit.

Marami nang eksperto ang nag-aral ukol dito at marami na ring nagawang solusyon para mabawasan o makontrol ang pagiging mainitin ang ulo.

Base sa pag-aaral ni Ryan Martin, may akda ng “Why We Get Mad: How to Use Your Anger for Positive Change and known as the “Anger Professor,” nagagalit ang isang tao kapag may pangyayari o sitwasyon sa buhay na agad nilang nakikita o napagtutuunan ng pansin bilang negatibo o hindi makatarungang senaryo na nag-uudyok para magalit.

Maaaring makaapekto sa kalusugan ang namumong galit kaya kailangan ng self-control dahil kung hindi ay maaaring mauwi sa paninigas ng kalamnan na magdudulot ng heart attack at stroke.

Para makontrol ang anger ay maaaring sundin ang ilang tips na ito.

1. Ingatan ang sarili. Kung ikaw ang magagalit, isipin muna ang kapakanan.

2. Iwasan ang pag-uudyok. Huwag magpadala sa udyok o pag-uutos na dadalhin ka sa maling gawain.

3. Bawal ang pagiging judgmental. Huwag basta-basta magalit sa isang tao kung hindi alam ang dahilan kung bakit niya nagawa ang isang bagay na ikinagalit mo.

4. Kalma lang. Huwag basta-basta mag-iinit. Ikaw ang maaapektuhan at hindi ang kaaway mo kaya magpakahinahon muna.

5. Tandaan na ang galit ay hindi palaging masama. Maaari rin itong maging isang motibasyon o nagbibigay lakas ng damdamin. Isang bagay na mailalabas mo kapag galit ka na posibleng magbigay-daan para maayos ang isang usapin.

6. Maaaring sumangguni sa psychologist para sa mas maayos na proseso. Kapag masyado nang self-destructive ang ngitngit ay panahon na para magpakonsulta at magabayan sa anger management. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on