WebClick Tracer

NEWS

TPLEX extension project tatapusin sa termino ni BBM

Hangad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na matapos hanggang sa 2028 ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) extension project.

Ipinahayag ito ni Marcos matapos ipresenta sa kanya sa Malacañang ang pirmadong concession agreement ng TPLEX extension project na pinondohan ng P23.26 bilyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na sa sandaling matapos ang proyekto ay mababawasan ang oras ng biyahe sa pagitan ng Rosario at San Juan, La Union na mula sa kasalukuyang 90 minuto ay magiging 40 minuto na lamang.

Dahil dito, hiniling ng Pangulo sa San Miguel Holdings Corporation sa pamamagitan ni SMC chairman at chief executive officer Ramon S. Ang na kumpletuhin ang TPLEX extension Segment 1 at iba pang section nito batay sa schedule ng proyekto.

Bukod sa magiging mabilis ang biyahe, sinabi ni Marcos na asahang dadami ang mga turistang magtutungo sa La Union at sisigla ang ekonomiya hindi lamang sa naturang probinsya kundi sa iba pang lugar sa Norte. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on