WebClick Tracer

SPORTS

Vange Alinsug, National U winalis Enderun Colleges

Mga laro ngayon

(Ninoy Aquino Stadium)

9 am – UST vs Southern Mindanao

12 pm – LPU vs USPF

2 pm – Letran vs CSB

4 pm – Xavier University-NM vs Enderun

Dumamba si Evangeline ‘Vange’ Alinsug ng 14 points nang sakmalin ng National University ang Enderun Colleges, 25-19, 25-15, 25-16, sa siklab ng 2nd Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals 2024 Miyerkoles ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang niladlad niya ang bumalanse sa opensiba ng Lady Bulldogs para sa maangas na simula sa Pool A ng 12-team women’s volleyfest na itinataguyod ng Shakey’s Pizza Asia Ventures, Inc. (SPAVI) at pinatatakbo ng ACES (Athletic Events and Sports Management, Inc.).

Pwede nang tumapak sa knockout quarterfinals ang Bustillos-based squad kapag kinagat sa Biyernes ang Xavier University-Northern Mindanao Selection sa kaganapang mga suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner at Mikasa.17-25, 17-25, 18-16.

Bumakas kay Alinsug ng 10 markers si Kaye Bombita para sa reigning back-to-back SSL Collegiate Preseason Championship titlist, na nag-qualify sa rito bilang kampeon ng 86th UAAP 2023-24 nitong May.

Dahil dominado ng kanyang kampo, salit-salitang pinarampa lang ni NU coach Norman Miguel ang mga alas niyang sina Mhicaela ‘Bella’ Belen, Sheena Toring at Arah Panique.

“Masaya po kami sa first win namin, especially na ‘yung goal namin for this tournament is maka-gain ng experience and exposure ‘yung mga ibang player especially mga rookie,” lahad ni Miguel. “Nakita ko rin na nag-lead ‘yung mga senior sa mga baguhan. Hopefully maging maayos ang performance namin at umabot kami sa finals.”

Wagi rin ang Far Eastern University kontra ESAFI Champions, University of Southern Philippines Foundation, 25-13, 25-15, 25-17, at sinilat ng University of Batangas ang University of Santo Tomas, 25-16, 28-26,

Napapanood ang mga laro sa Smart Livestream at Puso Pilipinas, at sa cable Solar Sports. Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on