Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20K bagong gumaling sa coronavirus

0 70

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 20,000 indibidwal na nakarekober sa COVID-19.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 183 na inilabas alas-kuwatro ng hapon ng Linggo, Setyembre 13, nasa 20,472 ang pasyenteng gumaling umano sa virus.

Dahil dito, umabot na sa 207,568 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19.

Habang nakapagtala naman ng 3,372 bagong nagpositibo kaya umabot na sa 261, 216 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region, 1 307; sinundan ng Cavite, 240; Laguna, 207; Negros Occidental, 199; at Bulacan, 145.

May 79 naman ang naitalang nasawi kaya 4,371 na ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Inalis naman umano sa total case count ang 19 duplicate.

Samantala, mayroon umanong walong kaso ng COVID na unang iniulat na nakarekober ang nalaman na namatay pala ang pito habang isa ang aktibong kaso pa matapos isailalim sa final validation.

Sampung laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite sa COVID-19 Data Repository System. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.