Abante Tonite Interactive

21 baboy sa Malolos City namatay

213

Dalawampu’t isang baboy na pag-aari ng isang negosyante sa Barangay Santos sa Malolos, Bulacan ang panibago na namang naitalang namatay kahapon sa gitna ng isyu ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Sa report ayon na rin sa pahayag ni Alejandro Roque, ang nasabing bilang ng mga alaga nitong baboy ay nasawi tatlong araw matapos ang mga itong dapuan ng aniya’y ‘mysterious’ disease.

Para masigurong ‘di kumalat ang nasabing sakit ay inilibing na ang 21 alaga nitong baboy na tumitimbang ng 60 kilogram.

Kasunod nito’y inamin ni Roque na sampu na naman sa alaga nito ay may senyales ng sakit.

“Another 10 of my pigs have also shown signs of disease,” sambit nito.
Dahil dito’y maagap namang kumilos ang mga personnel ng Department of Agriculture (DA) mula sa Central Luzon at kinunan na ng mga blood sample ang kanyang mga alaga upang matukoy kung ang nasabing mga baboy ay positibo sa ASF. (PNA)