Abante Tonite Interactive

21 game fixer sa MPBL kinasuhan

236

Dinemanda na ni Maharlika ­Pilipinas Basketball League ­commissioner ­Kenneth Duremdes at National Bureau of Investigation sa Department of ­Justice ang 21 katao na player, coach at opisyal ng Soccsksargen Marlins dahil sa umano’y game fixing.

Sinampahan ng NBI ng 17 counts ng betting, multiple counts ng game-fixing at point shaving sa ilalim ng Section 1 at 3 ng PD 483 na inami­yendahan bilang PD 1602 sina Chinese nationals Mr. Sung, Kein at Emma, nasa hustong mga edad Kehin Espinosa at Ferdinand Melocoton, Sonny Uy, Serafin Matias, Ar EJ Avila, Nive Ilagan at Nino Dionisio ng Armor On Philippines.

Gayundin si PH Air Force Col. Jake Diwa, Exequiel Biteng, Jerome Juanico, Matthew Bernabe, Julio Magbanua, Abraham Santos, John Patrick Rabe, Ryan Regalado, Janus Lozada, Joshua Alcober, at Ricky Morillo ng AOP.

Ang kaso ay nag-ugat tapos ­suspendihin ang ilang players at mga coach ng Marlins sa ginaganap na 3rd MPBL Lakan Cup 2019, kasunod ng impormasyon ng NBI na ilang players at mga coach ang sangkot sa bentahan ng mga laro.

Sinuspinde na rin ni Sen. ­Emmanuel Pacquiao, founder ng liga, ang team nang may magsumbong sa ­kabulastugan ng koponan. (Juliet Cudia)