Abante Tonite
Mabilis sa Balita

21 pasyente ng PGH nagpositibo sa India virus

0 83

Kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na 21 pasyente mula sa 72 lokal na kaso ng Delta variant ang nasuri sa pagamutan at anim sa mga ito ang naka-admit.

Gayunman, sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, sa anim na na-admit ay dalawa ang nasawi at apat ang nakarekober.

Hindi aniya bakunado ang mga nasawi at isa lamang sa nakarekober ang nabakunahan pero lahat sila nagkaroon lang ng mild symptom.

Kaugnay nito, sinabi ni PGH Infection Control chief Dr. Regina Berba na wala namang hospital staff ang na-detect na positibo sa Delta variant.

“Despite the high number of Delta exposures in PGH, we’ve really had no COVID outbreaks so far,” ayon kay Berba.

Nasa 300 close contact na rin ang sinailalim sa COVID-19 test mula Hulyo 26. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.