Abante Tonite
Mabilis sa Balita

21 pulis kinasuhan sa hazing kay patrolman

0 61

Nagsampa na ng kaso nitong Huwebes ang Police Regional Office (PRO) 5 laban sa 21 pulis na umano’y sangkot sa naganap na hazing na ikinasawi ni Patrolman Jaypee De Guzman Ramores nitong nakaraang buwan.

Ang mga sinampahan ng kaso ay kinabibilangan ng dalawang opisyal at 19 tauhan ng 503rd Maneuver Platoon ng Regional Mobile Force Battalion 5, ang mga ito ay nahaharap sa kasong criminal at administratibo dahil sa pagkamatay ni Patrolman Ramores nitong Hulyo 26.

Sa statement ni PRO 5 Spokesperson Police Major Ma. Luisa Calubaquib, kasong Republic Act 11053 amended ng RA 8049 o Anti Hazing Act ang isinampa sa mga sangkot na pulis sa Masbate Prosecutors Office base na rin sa rekomendasyon ng binuong Task Force.

Nahaharap din ang mga sangkot sa kasong administratibo na didinggin naman ng Philippine National Police-Regional Internal Affairs Service 5 (PNP-IAS) Region 5.

Matatandaang nitong Hulyo 22 habang nagsasagawa ng noontime road run ang biktima sa San Jacinto, Masbate ay bigla na lang itong nag-collapse at agad nadala sa Ticao District Hospital pero alas-singko ng hapon ay pinauwi din matapos magpahinga.

Subalit Hulyo 26 ay muling hinimatay si Ramores at dead on arrival nang isinugod sa nasabi ring ospital.

Sa autopsy na lumabas nitong Hulyo 28, nakasaad na si Ramores ay nakaranas ng cardiorespiratory arrest, deep vein thrombosis secondary to pulmonary embolism, at multiple physical injuries secondary to blunt trauma.

May mga pasa sa katawan, sunog sa dibdib, mga sugat sa tuhod at paa at iba pang mga injury na nakita sa katawan ni Ramores nang ideklara itong patay sa ospital. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.