Abante Tonite
Mabilis sa Balita

21k pasaway na pulis sinampolan

0 37

Nasa mahigit 21,000 pasaway na pulis ang pinarusahan dahil sa ginawang kasalanan at paggawa ng iligal mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 4, 2022, ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Danao, base na rin sa record ng PNP – Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), sa kabuuang 21,306 pinarusahang pulis, 5,652 sa mga ito ang na-dismiss na sa serbisyo, 1,150 naman ang na-demote sa kanilang ranggo, 10,650 ang suspendido, 853 ang sinuspinde, 2,491 ang na-reprimand, 222 ang restricted lang sa kanilang quarters at 288 ang tinanggalan ng prebilehiyo.

SM food to go Banner Ad

Samantala sa 716 na pulis na sangkot sa kasong may kinalaman sa iligal na droga, 504 sa mga ito na kinabibilangan ng 10 Police Commissioned Officer (PCO’s), 478 Police Non Commissioned Officers (PNCO’s) at 15 Non Uniformed Personnel (NUP) ang sinibak sa serbisyo dahil sa kanilang mga kaso mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 12, 2021. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.