Abante Tonite
Mabilis sa Balita

21K trabaho sa ‘Pinas, abroad alok ng DOLE

0 183

Mahigit 21,000 trabaho sa Pilipinas at abroad ang maaaring aplayan sa ilulunsad na dalawang araw na online job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

SM food to go Banner Ad

Nakatakda ang online job fair sa Disyembre 10 at 11, na inorganisa ng Bureau of Local Employment at Philippine Overseas Employment Administration para sa 87th anniversary ng DOLE.

Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang job fair na dadaluhan ng mahigit 600 kompanya at 16 lisensyadong recruitment agency. Para ma-access ang online job fair, maaaring bumisita ang aplikante sa website ng POEA na www.poea.gov.ph. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.