Abante Tonite
Mabilis sa Balita

21M nag-enroll sa public, private school

0 287

Umabot na sa 21,344,915 o nasa 76% ang mga nag-enroll ngayong school year 2020-2021 sa mga public at private school sa bansa.

Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 20,147,020 o 88% ang nag-enroll sa public school habang nasa 1,169,976 sa private school.

Bumaba umano ang bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa mga private school at lumipat sa public school kung saan pangunahing dahilan ang krisis na pinagdaraanan sa kasalukuyan.

Sa kabila nito, umaasa ang DepEd na madadagdagan pa ang mga enrollment sa mga susunod na linggo lalo na sa mga private school na hindi kasabay ng enrollment period sa mga pampublikong eskuwelahan.(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.