Abante Tonite
Mabilis sa Balita

22 iniwang patay ni ‘Quinta’

0 267

Tumaas sa 22 ang namatay dahil sa bagyong ‘Quinta’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Naitala ang death toll sa Region V, VI, VII, Calabarzon at Mimaropa. Nadagdagan din ang bilang ng mga sugatan na tumaas sa 39 habang apat pa ang nawawala.

Kabuuang 176,532 na pamilya naman at 775,513 indibiduwal mula sa 2,469 na barangay ang apektado ng bagyo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.