Abante Tonite Interactive

22 mangingisdang Pinoy niregaluhan ng fiberglass boat

362

By Eileen Mencias

Nagpasalamat si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Executive Director Eduar­do Gongona sa Philippine Navy na nag-uwi sa Mindoro Occidental ng 22 mangingisdang binangga ng Chinese vessel kamakailan.

Sabi ni Gongona, kailangang paigtingin ang pagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas dahil mahalaga ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda.

“We need to have more pre­sence in the waters that we call ours. Safety of our fishermen, and our fishing vessels is paramount,” sabi ni Gongona sa Facebook post ni Agriculture Secretary Emma­nuel Piñol kung saan sinabi niyang bibigyan ng tig-iisang fiberglass boat ang mga mangingisdang binangga ng Chinese vessel.

Kasama sa mga ipapamahagi sa mga mangingisda ang mga kagamitan na kakailangan nila para sa kanilang kabuhayan tulad ng makina at mga lambat.

Sabi ni Piñol, nakabalik na sa Mindoro Occidental ang mga mangingisda noong Biyernes sakay ng isang barko ng Philippine Navy.

Sinalubong ni BFAR Regional Director Elizer Salilig ang mga mangingisda at binigyan sila ng tig-isang sako ng bigas bilang tulong.

“He also committed to distri­bute 22 fiberglass boat with complete accessories including engine and nets,” sabi ni Piñol.