Abante Tonite
Mabilis sa Balita

22 matadero na-COVID positive

0 203

Bagong taong lockdown ang bumungad sa mga residente ng isang barangay sa Laoag City sa Ilocos Norte matapos sumirit ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Simula kahapon ay muling isinailalim ni Laoag City Mayor Michael Keon sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Barangay San Lorenzo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 22 iba pang matadero sa isang slaughterhouse.

Sa direktiba ni Keon, kinakailangang magpakita ng valid ID o certificate of employment ang sinumang dadaan sa nasabing barangay upang makarating sa kanilang pupuntahan.

Matatandaang nitong Disyembre 29, isang 68-anyos na matadero mula sa Sitio Maharlika at dalawa pang matadero mula sa Barangay 17 at 57 ang nagpositibo sa COVID-19 dahilan upang ipatupad ang localized lockdown sa lugar.

Makalipas ang isang araw ay 22 pang matadero, karamihan ay magkakamag-anak na nakatira sa Barangay San Lorenzo ang nagpositibo.

Ang Laoag City ang may pinakamaraming aktibong kaso na 41 sa ngayon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.