Abante Tonite
Mabilis sa Balita

220 Ilonggo nahawa ng COVID sa stall owner

0 263

Umabot sa 220 Ilonggo ang nagpostibo sa COVID-19 na nahawaan umano ng stall owner sa public market na empleyado rin ng gobyerno sa Passi City, Iloilo.

Dahil dito ay agad na isinailalim ng lokal na pamahaalan sa istriktong ‘lockdown’ ang lugar habang hinahagilap pa ang may-ari ng stall na nagtataglay ng virus upang maiwasan pa ang pagkakahawaan.

Ayon kay Mayor Stephen Palmares, matapos i-lockdown ang palengke, agad nilang isinailalim sa swab test ang 650 vendors, at nang lumabas ang resulta ay 220 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID nitong Sabado.

“It originated sa isang empleyado natin na may stall sa Passi City public market. While we were conducting the mass testing sa employees, may nakita po kaming nag-positive na employee na may isang stall sa Passi Public Market. Noong nag-contact tracing kami, may contact siya na 7 market vendors na nag-positive so na-alarm kami,” paliwanag pa ni Palmares. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.