Abante Tonite
Mabilis sa Balita

221 provincial bus aarangkada na ngayong Miyerkules

0 132

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbubukas ng pitong ruta patungong Region VI at pabalik ng Metro Manila para sa pagbiyahe ng 221 na Provincial Buses simula Miyerkules, Nobyembre 18, 2020.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-051-C na inilabas ng ahensya nitong Nobyembre 16, 2020.
Ang mga ruta na bubuksan ngayong Miyerkules (November 18) ay ang mga terminal sa Kalibo, Aklan-Sta. Rosa; Malay, Aklan-Sta. Rosa; San Jose, Antique-Sta. Rosa; Roxas City, Capiz-Sta. Rosa; Estancia, Iloilo-Sta. Rosa; Iloilo City, Iloilo Sta. Rosa; Iloilo City, Iloilo-Sta. Rosa, at Miag-Ao, Iloilo-Sta. Rosa, pawang sa Laguna.

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial Buses, maliban na lang kung ipinag-utos ito ng LTFRB. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.