Abante Tonite
Mabilis sa Balita

223 pulis sapol ng virus

0 53

Nadagdagan ng 223 ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na dinapuan ng COVID-19, dahil dito, umakyat sa 4,785 ang kabuuang bilang ng nahawa ng virus sa kapulisan.

Sa kabila nito, nakarekober naman ang 3,337 PNP personnel habang nanatili sa 16 ang death toll. Binabantayan naman ng PNP Health Service ang 745 probable case, at 3,135 suspected case.

Sumasailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga pulis na kinunan ng test. Sa oras na masiguro na hindi sila nahawa ng virus, ay pagpapahingahin pa silang muli hanggang 10 araw bago tuluyang bumalik sa duty. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.