Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2,288 COVID case sa 1 araw lang

0 44

Naitala ng Department of Health nitong Lunes, Pebrero 22, ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw matapos ang mahigit tatlong buwan simula noong Nobyembre 8, 2020.

Sa COVID-19 Case Bulletin No. 345 ng DOH, nakapagtala ng 2,288 bagong kaso, anim ang namatay habang 33 ang gumaling.

Sa ngayon,nasa 563,456 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang kabuuang aktibong kaso ay nasa 28,488. Nasa 522,874 naman ang kabuuang bilang ng gumaling habang nasa 12,094 na ang pumanaw sa virus.

Batay pa sa DOH, hindi pa kasama rito ang datos mua sa anim na testing laboratory na hindi nakapagsumite sa takdang oras.

Leave A Reply

Your email address will not be published.