Abante Tonite
Mabilis sa Balita

22K COVID daily cases pababain kesa pamumulitika

0 72

Sumirit na sa lagpas 22,000 kada araw ang COVID-19 cases sa Pilipinas pero ang administras­yong Duterte ay pamumulitika at pagbabatikos lang ang kayang gawin.

Ito ang batikos ni Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip ang Vice Presidential bid ang unahin at pag-udyok sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo ay tutukan kung paano pababain at matutulungan ang mga tinamaan ng COVID 19.

“Hindi na magkatuto ang administrasyong Duterte dahil sa pamumulitika at pagbabatikos sa mga kalaban sa politika. Hindi na nila kayang itago ang inefficiency, dapat harapin ni Pangulong Duterte ang pressing problems sa lagpas 22,000 daily COVID cases,” pahayag ni Castro.

“Sa nangyayari ngayon sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay nag-iisip na rin ang tao kung sino ang sinsero sa sinasabi at pangako. Sa ngayon ay nadala na ang tao sa style Duterte at mga kakampi nya,” dagdag ni Castro.

Binira rin ng lady solon ang tila showbiz na urong-sulong ni Mayor Sara sa plano nito sa 2022 elections.

Leave A Reply

Your email address will not be published.