Abante Tonite
Mabilis sa Balita

23-anyos na misis binistay ni insan

0 318

Patay ang isang 23-anyos na ginang matapos itong barilin ng kanyang pinsan sa San Juan, Batangas noong Martes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Jennelyn Andaya matapos magtamo ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng San Juan police, nasa kanyang bahay sa Sityo Sampalok, Barangay Bulsa ang biktima nang dumating ang pinsan na armado ng maiksing baril.

Nang makita ang biktima, walang sabi-sabing pinagbabaril ito saka mabilis na tumakas.

Ayon sa San Juan police, personal na alitan nang magpinsan ang dahilan ng pamamaril.

Isinasagawa na ang manhunt operation sa tumakas na suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.