Abante Tonite
Mabilis sa Balita

23 tulak, nalambat

0 36

NADAGDAGAN ang bilang ng mga nakakulong na drug pusher matapos madakip ang 23 hinihinalang tulak sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy bust operation ng operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) sa pagitan ng alas-10:30 kamakalawa ng umaga hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling araw sa 2 lungsod at 7 bayan.
Nanguna sa pinakamataas na bilang ng naaresto ang Bacoor City na (5), sumunod ang bayan ng Naic (4) habang tig (3) sa bayan ng Kawit, Silang at Lungsod ng Cavite. Tig-(2) naman sa bayan ng Tanza at General Emilio Aguinaldo habang (1) sa Indang o kabuuang 23.

Ang mga naarestong tulak ay kinasuhan na at nakakulong ngayon sa Cavite Custodial Center. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.