Abante Tonite
Mabilis sa Balita

230 pamilya nilikas sa Baseco

0 38

Nasa 230 pamilya ang inilikas ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa Baseco, Port Area dahil sa hagupit ng bagyong ‘Maring’.

Nabatid na kinakali­nga sa Baseco Compound Evacuation Center ang mga inilikas na pamilya matapos na hampasin ng malalakas na alon ang kanilang mga bahay.

Sa ulat, nabatid na umabot hanggang leeg ang tubig matapos hampasin ng malalaking alon ang mga bahay sa kasagsagan ng bagyo.

Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Social Welfare Department na pakainin at bigyan ng face mask ang mga residente dahil nakalimutan na nilang magsipagsuot nito nang lumikas.

Iniutos din niyang mahigpit na ipatupad ang physical distancing sa evacuation center. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.