Abante Tonite
Mabilis sa Balita

230K kabataan COVID bakunado na

0 159

Umabot na sa 230,357 menor de edad sa bansa, na kabilang sa 12-17 age group, ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa naturang bilang, 0.10% lamang ang nakaranas ng inaasahang temporary reactions dahil sa bakuna.

Kabilang dito ang pananakit ng tinurukang braso, pananakit ng ulo, pagkahilo at anxiety attack.

Sinabi ni Vergeire lahat ng insidente ng side effects na naranasan ng mga nabakunahang menor de edad ay maayos na natugunan.

SM food to go Banner Ad

Inuna ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga menor na may comorbidities at kabilang sa Pediatric A3 category, saka binakunahan ang general population ng mga minor mula Nobyembre 3.

Nalaman na mayr 12.7 milyong kabataan sa bansa na nasa 12-17 age group.

Ayon sa DOH, target ng gobyernong mabakunahan ang 80% o 10 milyong kabataan pagsapit ng Disyembre 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.