Abante Tonite
Mabilis sa Balita

231 protesta kinasa ng PH vs China

0 31

Naghain ng kabuuang 231 diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China sa ilalim ng Duterte administration sapol pa noong 2016, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez ng Office of Public and Cultural Diplomacy (OPCD) na hanggang November 18, 2021, may kabuuan nang 231 protest ang inihain kontra Beijing.

Karamihan aniya ay notes verbale ng DFA dahil sa Chinese Coast Guard laban sa Filipino authorities na nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magkasalungat ang Pilipinas at China sa posisyon sa WPS kung saan inaangkin ng Beijing maging ang mga isla na pasok sa exclusive economic zone ng Manila.

Iginigiit ng China ang presensya nito kahit na may July 2016 arbitral ruling ng UN-backed tribunal na sinasabing walang katotohanan ang nine-dash claim ng China sa South China Sea. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.