Abante Tonite
Mabilis sa Balita

233 frontliner sa Valenzuela may COVID

0 226

Pumalo na sa kabuuang 233 frontliner mula sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaang lokal ng Valenzuela City ang diumano’y nagpositibo sa COVID-19.

Base sa resulta sa magkakahiwalay na swab test na isinagawa at sa datos ng pamahalaang lokal, pinakamataas ang bilang ng nagpositibo sa virus ang Barangay Council at mga tauhan nito sa bilang na 109.

Nasa 36 naman ang nagmula sa Valenzuela City Police Station kung saan mahigit sa 600 ang bilang ng mga miyembro nito.

Umabot naman sa 72 mula sa iba pang opisina tulad ng mga barangay health station worker, City Epidemiology Surveillance Unit, at City Health Office. Sampu ang naitalang positibo sa Valenzuela City Fire Station, isa sa City Risk Reduction Center, tatlo sa Valenzuela City Emergency Hospital at dalawa sa Peoples Park.(Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.