Abante Tonite
Mabilis sa Balita

239 lugar sa NCR lockdown

0 60

Nasa 239 lugar sa National Capital Region ang nasa ilalim ng granular lockdown, batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) na inilabas kahapon, Oktubre 4.

Ayon sa PNP, nakapaloob ang mga nasabing lugar sa 152 barangay.

Kabilang umano sa mga lugar na nasa granular lockdown ay 153 bahay, 36 kalye, 32 gusali, apat na palapag ng gusali at apat na subdivision.

Nakaantabay naman sa mga naturang lugar ang 751 tauhan ng PNP at 870 na force multiplier.

Ang alert level system, na siyang dahilan ng granular lockdown, ay paiiralin sa Metro Manila hanggang Oktubre 15. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.