Abante Tonite
Mabilis sa Balita

23K kilong manok pinamahagi sa mga frontliner

0 183

Kasabay ng selebrasyon ng kanilang ika-23 taong anibersaryo, nag-ikot sa iba’t ibang lalawigan, nagpasalamat at nagpaabot din ng tulong sa 23 sector ng bansa na nagsilbing frontliner ngayong may pandemic outbreak ang Bounty Argo Ventures Inc. (BAVI).

Naglibot nitong buwan sa Luzon, Visayas at Mindanao ang mga ambassadors at staff ng nabanggit na kumpanya at kanilang kinilala at sinuportahan ang mga itinuturing na bayaning frontliner at healthworkers na ilang buwan na ring nagsakripisyo para makatulong sa dinaranas ngayong pandemya.

“We are deeply grateful to everyone who had been part of our company’s journey and the country’s fight against the pandemic,” saad ni BAVI President Ronald Mascariñas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabay nito ay namahagi ng 23,000-kilong manok bilang pasasalamat ang BAVI sa mga medical facilities, schools, orphanages, public transport groups, barangay halls, military camps, city halls, zoos, at iba pang benepisyaryo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“It is my hope that through this simple gesture of thanksgiving to them, we can inspire more people to be heroic in their daily lives as well,” dagdag pa ni Mascariñas kung saan ang kumpanya rin ang nagmamay-ari ng Chooks-to-Go, Uling Roasters, at Adobo Connection.

Kabilang sa naghatid tulong ang sport personalities gaya nina Kiefer Ravena, ng NLEX; Kobe Paras ng UP Fighting Maroons, at SEA Games gold medalist Nikko Huelgas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.