Abante Tonite
Mabilis sa Balita

24/7 pagbakuna ilalarga kontra COVID-19

0 333

Pag-aaralan ng National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) ang posibilidad na gawing 24/7 ang pagbakuna sa mayorya ng mga Pilipino sa sandaling dumating na ang mga bakuna mula sa Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Pfizer.

Sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon sa Laging Handa public briefing na kailangang ikonsidera rin ang sitwasyon ng mga vaccinator at maglaan ng mula dalawa hanggang tatlong shift.

“Pag-aaralan po natin `yan. Siyempre kailangan naman is i-manage din `yong sitwasyon ng mga vaccinator natin,” ani Dizon.

SM food to go Banner Ad

Kapag aniya nagsunod-sunod na ang pagdating ng suplay ng bakuna ay mailalarga na ang vaccination rollout kung saan mas marami at mas mabilis na ang gagawing pagtuturok.

Batay sa listahan ng mga prayoridad sa COVID-19 bakuna, una ang mga medical health worker, senior citizen, mga matatandang may comorbidity o may sakit, non-medical frontliner katulad ng mga pulis at sundalo, economic frontliner partikular ang mga tsuper ng jeep, tricycle driver, bus driver, market vendor at iba pa.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70% ng populasyon ng mga Pilipino at makabuo ng herd immunity para mapaliit ang peligro na makahawa pa ng COVID-19.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.