Abante Tonite Interactive

24 bahay, 3 motor, babuyan naabo sa sunog

324

Umaabot sa 24 kabahayan ang natupok ng apoy makaraang magkaroon ng electrical short circuit sa isang bahay, Lunes ng umaga sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay Psalmer Bernalte, Kidapawan disaster risk reduction and manage­ment council action officer, nag-ugat ang sunog bandang alas-8:30 Lunes nang umaga sa bahay ng Abelgas family sa Mariano Cuenco St., Brgy. Poblacion kung saan may narinig na lang na pumutok sa loob ng bahay at doon na gumapang sa kisame. Nadamay ang mga 23 pang katabing bahay na karamihan ay yari sa semi-concrete at mga light material.

Natupok din ng apoy ang tatlong motorsiklo at babuyan .

Kasalukuyang nanunuluyan ang mga biktima sa covered court ng Brg.y Magsaysay. (Vick Aquino)