Abante Tonite
Mabilis sa Balita

24 barangay dinale ng African Swine Fever

0 196

NASA 24 barangay ng Cauayan City, Isabela ang pinasok na ng African Swine Fever (ASF) kung saan nagkakaroon na ng puwersahang pagkatay o culling sa mga alagang baboy, ayon kay Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy.

Sa pahayag ni Dy, umabot na sa 24 na barangay sa lunsod ang apektado ng ASF na kinabibilangan ng mga barangay sa forest region.

Ayon kay Dy, maging ang kanyang piggery ay nadamay na rin at nakatakda nang isailalim sa culling ang halos 2,000 na baboy nito sa kanilang piggery farm.

Sinabi ng alkalde na kailangang paigtingin ang pagbabantay lalo na at hindi lamang mga nag-aalaga ng baboy ang apektado kundi kasama na rin ang mga nagtitinda ng karne.

Sa ngayon ay patuloy ang culling sa mga apektadong barangay at sinabi ng alkalde na may P5,000 na ayuda para sa mga apektadong backyard hog raisers na manggagaling sa Department of Agriculture (DA). (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.