Abante Tonite
Mabilis sa Balita

24 CCTV kinabit sa MRT-3 Cubao Station

0 71

Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pagkakabit nila ng 24 bagong closed-circuit television (CCTV) cameras sa iba’t ibang bahagi ng Cubao station, sa Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Sa anunsiyo ng MRT-3, layunin nang pagkakabit ng mga bagong CCTV na higit pang mabantayan ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Nakatutulong anila ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga istasyon ng tren at upang mapigilan at masugpo ang anumang klase ng krimen sa mga nasasakupang ng MRT-3. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.