Abante Tonite
Mabilis sa Balita

24 empleyado sa NAIA tinamaan ng virus

0 317

Mayroong 24 na empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal nitong Miyerkoles.

Subalit nilinaw din nito na hindi kabilang sa mga nadale ng COVID ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA.

Mula aniya sa 24 empleyado na tinamaan ng COVID, pito sa mga ito ang bumalik na sa kanilang trabaho habang dalawa ang naghihintay pa ng medical certificate.

“Fifteen of the 24 are recent (cases), and tested positive after taking the swab test,” ani Monreal.

Sa kabila nito, sinabi ni Monreal na walang dapat ikabahala dahil masusi namang sinusunod ang mga protocol sa NAIA katulad ng palaging paghuhugas ng mga kamay, physical distancing, pagkakaroon ng mga foot batch at naglagay din ng mga acrylic barrier sa lahat ng check-in counter. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.