Abante Tonite Interactive

24 oras buy-bust sa Cavite: 35 suspek dinakma

310

By Gene Adsuara

Nasa 35 suspek ang dinampot sa 24 oras na buy-bust operation ng mga pulis sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa datos ng Cavite Provincial Police Office, nanguna ang Bacoor City sa bilang ng mga dinampot na umabot sa walo katao, pito sa General Mariano Alvarez, anim sa Cavite City, lima sa Dasmariñas City, apat sa Silang, tatlo sa Trece Martires City, at tig-iisa sa Mendez at Indang.

Isinagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at ng Philippine Drug Enforcement Agency simula Sabado hanggang Linggo.

Kasalukuyang nakakulong ang mga ina­restong indibidwal sa Cavite Custodial Center at sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.