Abante Tonite Interactive

24 panabong na manok ninakaw sa farm

By
36

PALAYAN CITY, Nueva Ecija — Pinasok at pinagnakawan ng mga hindi nakilalang suspek ang isang farm sa Brgy. Aulo dito noong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa ulat ni P/Supt. Arnel Santiago sa tanggapan ni City Mayor Adrianne Mae Cuevas, ang napagnakawan ay si Rolly Tuazon Romero, 78, executive consultant ng provincial government ng Nueva Ecija, residente ng Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City.

Nabatid na dakong alas-kuwarto ng madaling araw noong nakawin ang may 24 mamahaling manok na panabong na nagkakahalaga ng P120,000.

Abante Hiring – IT dep

Dakong alas-7 ng umaga nang maiparating sa pulisya ang nakawan ni Brgy. Kagawad Emilio Francisco Andasan, ng Brgy. Aulo Palayan City.

Sinira umano ng mga suspek ang cyclone wire na perimeter fence ng farm sa pagtangay sa mga manok.

Isang puspusang follow up operation ang ipinag-utos ni Santiago upang makilala ang mga magnanakaw.