Abante Tonite Interactive

240 pamilya nasunugan sa QC

By
224

Umaabot sa 240 pamil­ya ang nawalan ng taha­nan makaraang sumiklab ang sunog sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City kahapon nang hapon.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Jaime Ramirez, alas-3:24 ng hapon kahapon nang magsimula ang sunog sa kusina ng tahanan umano ng isang Jessica Arnejo, ayon sa mga residente sa nasabing barangay.

Sinabi ni Ramirez, dahil malapit lang ang Fire Department sa lugar ay umabot lang ng 20-minuto ang sunog at agad na naapula pero umabot sa ika-apat na alarma dahil mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa mga light material.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog.