Abante Tonite
Mabilis sa Balita

242 most wanted sa Region 1 nalambat

0 64

NASA 242 mga most wanted persons (MWPs) sa buong Region 1 ang nahuli matapos ang 3-araw na operayon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations mula February 6-8 ngayong taon.

Sa press briefing sa Camp. BGen. Oscar M. Florendo, San Fernando City, La Union, sinabi ni bagong talagang Police Regional Office 1 (PRO1) director P/Gen. Emmanuel B. Peralta, na ang operasyon ay pokus sa pag-aresto sa mga nasabing MWC mula sa level ng nasabing rehiyon, probinsya, munisipalidad at siyudad.

SM food to go Banner Ad

Sa bilang na 242, tatlo dito na tinaguriang “top most wanted persons”, 16 MWPs mula sa provincial level, 58 MWPs mula sa city at municipal level at 165 na mga wanted person. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.