Abante Tonite
Mabilis sa Balita

242 sa 13M bakunado na dinapuan ng virus

0 59

Wala pa umanong isang porsiyento ng 13.8 milyong indibiduwal na kumpletong nabakunahan ang dinapuan ng COVID-19 hanggang noong Agosto 29, 2021, ayon sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA).

Nabatid na ang 242 indibiduwal na dinapuan ng COVID kahit kumpleto na ang bakuna ay katumbas lamang ng 0.0017% mula sa kabuuang 13.8 milyong fully-vaccinated na naiulat na tinamaan pa rin ng virus, 14 araw matapos nilang maturukan ng pangalawang dose.

“Out of 13.8 million na fully-vaccinated, sobrang konti lang ang nakakuha ng COVID-19. Saan ka pa tataya? Kung wala tayong bakuna laban sa COVID-19 mas marami pa ang puwedeng makakuha ng malalang sakit,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.