Abante Tonite Interactive

24/7 checkpoint sa Region 10

By
16

Sinimulan nang ipatupad ang 24/7 checkpoint ng mga pulis sa hilagang Mindanao.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office 10 director Sr. Supt. Joseph Abnol, na nagsabing ang paglulunsad ng 24 oras na checkpoint ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao matapos ang pag-atake ng Maute Group kamakalawa sa Marawi City.

Sinabi ni Abnol na ang mga tauhan nilang hindi nakatalaga sa mga checkpoint ay inatasan na magsuot ng full combat gear.

Ang bawat police unit ay obligado namang magsumite ng situation report kada dalawang oras at dapat ay aprubado ng regional director ang kanilang bawat kilos.