Abante Tonite
Mabilis sa Balita

249K Maynilad kustomer nganga sa tubig

0 62

Makararanas ng water interruption ang nasa 249,999 kustomer ng Maynilad sa loob ng tatlong araw sa susunod na linggo.

Ayon kay Jennifer Rufo, Maynilad stakeholders’ communications office head, naka-schedule ang water interruption ng Setyembre 17-19.

Ito aniya ay dahil sa pansamantalang pagsasara ng kanilang Putatan Water Treatment Plant.

“We’re temporarily shutting down our Putatan Water Treatment Plant for maintenance and upgrades, and also doing some network enhancements in Cavite,” pahayag ni Rufo.

Kabilang sa maaapektuhan ng water interruption ang ilang parte ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Cavite.

Subalit nilinaw din ni Rufo na hindi naman umano mawawalan ng tubig ang kanilang mga kostumer ng diretsong 33 oras.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.