Abante Tonite
Mabilis sa Balita

24K pekeng senior citizen sa Maynila buking ni Isko

0 118

Nadiskubre ni Manila Mayor Isko Moreno may may 24,700 pekeng senior citizen ang nakarehistro sa Maynila.

Tinukoy ni Moreno na ang mga pekeng senior citizen ay iyong mga missing senior citizen o non-existing senior citizen na siyang dahilan ng pakakaantala sa paglalabas ng PayMaya card dahil nililinis na ng Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) ang listahan nito.

Ang pagbubunyag ni Moreno ay bunsod ng naganap na raid kamakailan sa Binondo kung saan nakumpiska ang mga bogus na P1,000 bill, passport at ilang fake senior citizens’ identification card.

“Kaya na-delay…nasakripisyo mga senior citizens. Kaya kami nag-manual noong Pasko. Nalaman naming mahigit 24,000 ang fake na pangalan. ‘Pag hinayaan namin, matatapon na parang bula ang pera ng gobyerno,” ani Moreno.

Aniya, kung mapupunta sa mga fake senior citizen ang P500 monthly financial assistance, malulugi ng nasa P148 milyon kada taon ang pamahalaan.

“Kaya di n’yo ko masisisi na maging masinop dahil bago pa ako mag-mayor, inabuso ito (OSCA IDs). Pineke nang pineke, kaya nga sinisinop ko, pero kahit paano ni-release namin manual,” diin ni Moreno, “Mga walanghiya, pati benepisyo ng mga tao ninanakaw..tignan nyo, nahirapan mga senior kaya kami nag-manual.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.