Abante Tonite Interactive

25% hazard pay sa lahat ng frontline worker sinulong

426

Iminungkahi ng isang labor group na pagkalooban ng minimum 25% hazard pay lahat ng mga frontline worker sa pribado at publikong sector na na-expose sa panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Giit ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) party-list Rep. Raymond Mendoza, dapat din makatanggap ng hazard pay ang mga frontline personnel ng pribadong sector katulad ng kanilang mga counterpart sa gobyerno dahil nalantad din sila sa banta ng COVID-19 habang nagpapatuloy sa gitna ng pandemic.

“The virus will not choose whether the frontline personnel from the private and public sector, everyone is vulnerable to COVID-19 infection so those that face the daily risk of infection,” ani Mendoza.

Diin pa ni Mendoza, buong tapang din na nag-report sa kanilang trabaho ang mga manggagawa ng mga pribadong kompanya para magpatuloy ang operasyon ng mga ito katulad ng nasa media bangko, supermarket, security manufacturing, sanitation, food industry, delivery at trucking, at lahat ng manggagawa na pumapasok pa rin kahit pinapatupad na ang enhanced community quarantine.

“They are all our heroes and a grant of 25 percent hazard pay is a token recognition as they too have needs and families that depend on them,” sabi pa ng mambabatas.

Aniya pa, hindi ito panahon para magkaroon ng diskriminasyon sa mga manggagawa dahil lahat naman sila ay nagsisilbi para sa mga pangangailangan ng publiko sa kabila ng panganib na mahawa sa COVID-19 at sa mga abalang kinakaharap sa pagpasok sa kanilang trabaho. (JC Cahinhinan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad