Abante Tonite
Mabilis sa Balita

25 nagka-Covid sa Gators

0 84

Iniulat ng University of Florida na 25 ang nag-positive sa COVID-19 mula sa Gators football team.

Nakakaalarma.

Galing ang data sa resulta ng tests na isinagawa mula Martes noong isang linggo hanggang Lunes.

SM food to go Banner Ad

Inireport din ng eskuwelahan na may isang atleta pa (hindi sa football) ang nag-positive.

Hindi lang nabanggit sa ulat ng Orlando Sentinel kung sa numbers na ni-release nitong Martes ay kabilang na ang follow-up testing ng mga nauna nang nag-positive.

Noong Oct. 14, sinabi ni UF athletics director Scott Stricklin na 21 players ang nag-positive. Kasama dito si UF coach Dan Mullen at dalawang assistant.

Hindi rin sinabi kung saan nagsimula ang outbreak ng Gators, pero hindi ini-report ng dalawang player ang sintomas na nararamdaman bago umalis ang team para dayuhin ang Texas A&M. Inakalang allergy o simpleng sipon lang ang dumapo, pero isang player ang nakaranas ng congestion at pananakit ng ulo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.