Abante Tonite
Mabilis sa Balita

25 nakilamay sa Tagaytay nadale ng COVID

0 300

Nasa 35 bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Tagaytay City kahapon.

Batay sa Facebook post ng local government ng Tagaytay nitong Biyernes ng umaga, 25 sa mga nagpositibo ay galing sa lamay sa Barangay Tolentino West.

Labing-siyam sa mga ito ay tagaroon mismo sa nasabing barangay. Anim naman sa mga ito ay senior citizen kabilang ang isang 67-anyos na babaeng religous worker.

Ang pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod ay napatala isang araw lang matapos ipag-utos ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon para mahadlangan ang pagkalat ng nakakahawang virus.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga ipinatutupad na probisyon ni Tolentino ay pagtatakda ng tatlong araw lamang na lamay para sa isang namatay na dadaluhan lamang ng mga malalapit na kapamilya ng yumao kasabay ng mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols.

Subalit kapag COVID ang ikinamatay ng yumao, agad ike-cremate ang labi batay na rin sa protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ang Tagaytay na nasa ilalim ng MGCQ ay nakapagtala na ng ng kabuuang 318 na kaso, 51 dito ay aktibo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.