Abante Tonite
Mabilis sa Balita

25 PhilHealth exec sabit sa pekeng claim

0 73

Inendorso ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang ulat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kaugnay sa pagsasampa ng kasong graft sa 25 opisyal ng Philippine Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office I na sangkot sa mga pekeng claim.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Neal Bainto, nadiskubre ng PACC sa kanilang imbestigasyon, ang 27 pekeng claim na nagkakahalaga ng P1 milyon na ginawa sa fake account ng isang ‘Pamela Del Rosario’.

Inirekomenda ng PACC sa DOJ ang pagsasampa ng reklamong graft, falsification by public officer, malversation, usurpation of authority, violation of the National Health Insurance Act, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service laban sa 25 kasalukuyan at dating opisyal ng PhilHealth na nakatalaga sa nabanggit na regional office.

Nalaman na inirekomenda rin ng PACC ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga opisyal at empleyado ng PhilHealth na naatasan na magimbestiga pero nabigo na makasuhan ang mga sangkot. Hindi sila pinangalan ng DOJ.

Una nang sinampahan ng kaso ng National Bureaunof Investigation (NBI) ang 13 opisyal ng PhilHealth dahil sa anomalya sa implimentasyon ng PhilHealth Interim Reimbursement Mechanism. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.