Abante Tonite
Mabilis sa Balita

25 sapol ng COVID sa BPO beach party

0 153

Dalawampu’t limang empleyado ng isang business processing outsourcing (BPO) company ang nagpositibo sa coronavirus disease sa Subic Bay Freeport.

Sa isang pahayag, sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair Wilma Eisma, na 40 pang empleyado ng kompanya ang naka-quarantine matapos ang naganap na beach at pool party sa Olongapo City at Zambales noong Nobyembre 14.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Dr. Solomon Jacalne, pinuno ng public health and safety department ng SBMA, kundi man dumalo sa mga party ay na-expose sa mga katrabaho ang mga nahawaang empleyado.

Himutok ni Jacalne, ilang empleyado ang hindi pinagtapat na may sakit sila at pumasok pa rin sa trabaho dahil sa “no work, no pay policy” ng kompanya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.