Abante Tonite
Mabilis sa Balita

25 sundalong naputulan ng binti, braso kinabitan ng prosthetic

0 198

Nabigyan ng panibagong pag-asa ang 25 tauhan ng militar, na nawalan ng mga braso at binti sa mga sagupaan matapos silang bigyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng prosthetics.

Pinangunahan ni Gen. Gilbert Gapay, AFP chief of staff, noong Huwebes ang pagkakaloob ng mga bagong metal prostheses sa mga naputulang sundalo na naka-confine sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

SM food to go Banner Ad

“The AFP salutes our battle casualties for the heroism they exemplified in the performance of their duties. While the prostheses do not amount to their exemplary act of sacrifice, I hope that it will help them ease back into their everyday lives,” ani Gapay.

Ang aktibidad ay bahagi ng military program na pinangunahan ni Gapay upang tugunan ang mga pangangailangan sa mental health ng lahat ng tauhan ng AFP. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.