Abante Tonite
Mabilis sa Balita

250K estudyante naglipatan sa public school – DepEd

0 401

Ibinunyag ng Department of Education (DepEd) na nakapagtala sila ng mahigit 250,000 na estudyanteng mula sa mga private school ay naglipatan sa mga pampublikong paaralan ngayong school year.

“As of now, mga humigit-kumulang 200,000 plus na ang natalang nag-transfer from private [schools], including local state universities and colleges, to public schools,” pahayag ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo.

Sa datos ng DepEd, tinatayang 250,539 estudyante ang nag-transfer sa mga public school.

148,852 dito ay mga elementary student; 69,851 ang junior high school student; 26,138 ang senior high school student habang ang natitirang 5,698 ay mga estudyanteng may kapansanan.

Ani DepEd Secretary Leonor Briones, dahilan pa rin nito ay pandemic pero tiwala siyang unti-unti itong mareresolba kapag nagbukas na ang ekonomiya dahil magkakaroon na ng trabaho ang mga tao at makakapagbayad ng tuition fee at iba pang bayarin sa mga private school. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.