Abante Tonite Interactive

$25K asiste ni Curry sa cancer patient

By
337

Sa labas ng basketball court nag-assist si Golden State Warriors superstar Steph Curry.

Pumalo nitong weekend sa Ellie Mae Classic golf tournament ang two-time NBA MVP, kahit nangulelat ay pa­nalo pa rin sa tingin ng marami.

Pagkatapos ng kanyang second round, inihayag ni Curry na magdo-donate siya ng $25,000 sa may cancer na asawa ni golfer Scott Harrington.

Hindi na sumali sa torneo si Harrington dahil kailangan niyang asikasuhin ang asawang si Jenn na noong August 2017 ay na-diagnose na may Hodgkin lymphoma. Sumailalim sa chemotherapy si Jenn, idineklarang cancer-free na noong December, pero nitong May 2018 ay nadiskubre ng mga doktor na bumalik ang cancer.

Nakarating kay Curry ang balita, at nagbigay ng donasyon sa GoFundMe page ng mag-asawang Harrington.

“The @AyeshaCurry and @StephenCurry30 Foundation will donate $25,000 in support of Scott Harrington (@ScottyGlf) and his wife Jenn in her cancer battle,” tweet ng Web.com Tour (@WebDotComTour).

Agad namang ipi­naabot ni Jenn Harrington (@jharrington81) ang pasasalamat: “This group of people have taken a situation that felt nearly impossible and helped to make it a little easier on us. We are so thankful @scottyglf and I will one day pay forward this incredible generosity.”