Abante Tonite Interactive

25K jamboree delegate inilikas sa Zambales

143

Nasa 25,000 boy scout na dumalo sa 17th National Scout Jamboree sa Botolan, Zambales ang dinala sa mga evacuation center dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon sa Boy Scouts of the Philippines-Zambales Chapter, inilikas sa kanilang mga campsite sa Brgy. San Juan dakong ala-una nang hapon nitong Martes, Disyembre 3 ang mga jamboree delegate.

Isinakay ang mga boy scout sa mga bus at truck patungo sa 38 public school para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nagmula ang mga boy scout sa iba’t ibang lalawigan. (IS)